advertisement
TV

Sef Cadayona, nalagpasan ang depresyon dahil sa anak na si Anya at kaniyang Lola Meng

1 of 10

Seeing lola

Pagbabahagi ni Sef Cadayona, kasama niya noon ang anak na si Anya nang banggitin nito na nakikita niya ang kaniyang lola.

2 of 10

Lola Meng

Dahil hindi sigurado si Sef Cadayona, tinanong niya ang anak kung ano ang pangalang ng kaniyang lola. Ikinabigla umano ng aktor nang sabihin ni Anya na "Meng" ang pangalan ng lola na nakita nito.

3 of 10

Time stood still

Pagbabahagi ni Sef Cadayona, "That's when the time stood still for me kasi never ko naman [na-mention] 'yung name ni Lola Meng kay

advertisement
4 of 10

Signs

Pag-amin ni Sef Cadayona, noong mga panahon na 'yun ay hirap na hirap na siya at for the longest time, humihingi siya ng sign sa kaniyang lola. "I took it as a sign na 'I have to do this, I have to live kasi I have to give everything to my child.'"

5 of 10

Laking lolo at lola

Pag-amin ni Sef Cadayona, laking lolo at lola siya kaya naman, laking tuwa niya na hindi pa rin tumitigil ang kaniyang Lola Meng na bantayan siya.

6 of 10

Mahirap kalaban

Noong mga panahon na iyon, inamin ni Sef Cadayona na nakakaranas siya sa depression at kalungkutan na para sa kaniya, "ang hirap niyang kalaban."

advertisement
7 of 10

I have to be okay

Nilinaw naman ni Sef Cadayona na alam niyang kailangan niyang maging okay, at tulungan ang fiance na si Nelan Vivero sa pagpapalaki kay Anya.

8 of 10

Mas matinding pangarap

Sabi pa ni Sef Cadayona, kung mangangarap man siya ngayon, kailangan mas galingan niya para sa kaniyang pamilya.

9 of 10

Professional help

Muling tanong sa kaniya ni Boy Abunda, "Did you seek professional help?" Pag-amin ni Sef Cadayona, humingi naman siya ng tulong, ngunit imbis na propesyonal ay ispiritwal na tulong ang hinanap niya.

advertisement
10 of 10

Talking to the Lord

Pagbabahagi ni Sef Cadayona, "Kapag tahimik na ang bahay, nakatulog na 'yung bata and mag-isa ako, dasal, sobrang lakas, sobrang lakas ng dasal na I turned my questions from 'Why is this happening to me now?' to 'Help me understand.'"

Around GMA