Shaira Diaz at EA Guzman, engaged na!

Masayang inanunsyo ng Kapuso couple na sina Shaira Diaz at EA Guzman ang kanilang engagement sa morning show na Unang Hirit ngayong Biyernes (February 16).
Sabi ni EA sa programa "It happened on December 25,2021...yes,mga kapuso, UH fam, Shaira and I are engaged."
Kuwento ng celebrity couple, engaged na talaga sila noong 2021 pero dahil ginagalang ni EA ang desisyon ni Shaira, nag-hintay muna sila para sa tamang oras.
"Ni-respect ko lang yung time niya. I know na 'pag nag-propose ako baka mag "no" siya sa akin. That's the truth. Pero naniwala ako sa pagmamahal niya and alam niya na 'pag nag-propose ako sa kaniya, 'pag nag-"yes" siya, I'm willing to wait. Maghihintay ako sa kaniya, sa right time niya. Sa gusto niyang goal namin na pupuntahan. I'll wait for her," sabi ni EA.
Para kay Shaira, ngayon lang niya naramdaman na handa na siyang magkaroon ng sariling pamilya kaya ngayon lamang nila napagdesisyunan na ianunsyo ang kanilang engagement sa masa.
"Ngayon ko lang na-feel talaga na reding-ready na akong gumawa ng pamilya in the future, makasama siya habang buhay so sobrang ready na ako. Gusto ko nang ipagsigawan sa mundo kung gaano kami nagmamahalan, kung gaano ko siya kamahal," sabi ni Shaira.
Nag-umpisa ang pag-iibigan nina Shaira at EA noong February 17,2013. Nagkakilala sila sa isang dance performance bilang partners sa isang reality show noon.
Sa loob ng 11 years nila bilang couple, kitang-kita ang kanilang sweetness at suporta sa isa't-isa mapatrabaho man o dates nila.
Samantala, silipin ang isang dekadang pagmamahalan nina EA Guzman at Shaira sa gallery na ito:













