advertisement
Showbiz News

Shake, Rattle, and Roll: Evil Origins Red Carpet Premiere, star-studded!

1 of 23

Carla Abellana

Dumalo sa red carpet premiere night si Kapuso actress Carla Abellana, bida sa first segment ng pelikula na naka-set sa taong '1775.'

Ibinahagi ni Carla sa event ang pasasalamat at hiling na suportahan ang kanilang pelikula sa darating na MMFF 2025.

“We really hope that you will enjoy the film as much as we enjoy filming it. Spread the word po, help us po promote it to your friends, family, your loved ones,” sabi niya.

Gagampanan ni Carla ang karakter ni 'Madre Clara' na may taglay na nakakakilabot na mga pangitain.

2 of 23

Richard Gutierrez

Naroon din ang bida sa ikatlong segment ng pelikula si Richard Gutierrez. Ikinuwento niya na first time niya mapapanood ang buong pelikula at excited siya sa kalalabasan nito.

Si Richard ay gaganap bilang si 'Rosdan' sa segment ng pelikula na naka-set sa future, taong '2050.'

3 of 23

Dustin Yu

Kabilang din si Sparkle actor at PBB Celebrity Collab ex-housemate Dustin Yu sa mga lumakad sa red carpet noong Huwebes. Bida siya sa ikatlong segment ng pelikula bilang si 'Riel,' kasama niya ang mga artistang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi.

advertisement
4 of 23

Ivana Alawi

Present din sa red carpet ang Kapamilya actress at content creator na si Ivana Alawi. Ibinahagi ng aktres ang pasasalamat sa lahat ng dumalo at inaanyayahan ang lahat na manood ng kanilang pelikula. Biro pa niya: “Gawin n'yo na itong pa-birthday sa akin.”

Gaganap siya bilang si 'Edris' na kasama naman ng mga karakter ni Richard Gutierrez at Dustin Yu sa taong '2050.'

5 of 23

Francine Diaz and Seth Fedelin

Lumakad din ang tambalang 'FranSeth' kagabi bilang mga bida ng ikalawang segment ng pelikula. Gagampanan ni Francine Diaz ang karakter ni 'Faye' at si Seth Fedelin naman ay gaganap bilang si 'Sean' sa segment ng film na naka-set sa present year, '2025.'

6 of 23

Elijah Alejo

Kasama rin sa mga lumakad sa red carpet si Kapuso actress Elijah Alejo na gaganap bilang si 'Hermana Ana' sa unang segment ng pelikula sa taong '1775.'

advertisement
7 of 23

Ashley Ortega

Isa rin si Kapuso actress Ashley Ortega sa mga dumalo sa premiere night. Gagampanan niya sa taong '1775' ang karakter ni 'Hermana Salve.'

8 of 23

Ysabel Ortega

Kabilang din sa mga dumalong cast ang Encantadia Chronicles: Sang'gre star na si Ysabel Ortega. Sa pelikula, gaganap siya bilang si 'Hermana Rita' kasama ang mga karakter nina Loisa Andalio, Ashley Ortega, at Elijah Alejo.

9 of 23

JM Ibarra and Fyang Smith

Lumakad din ang love team na 'JMFYang' sa red carpet premiere ng pelikula. Sila ay kasama sa mga bida sa ikalawang segment ng pelikula sa taong 2025 bilang sina 'James' at 'DJ Elle.'

advertisement
10 of 23

Kaila Estrada

All smiles na lumakad din sa red carpet ang Kapamilya actress Kaila Estrada. Bahagi siya ng ikalawang segment bilang si 'DJ Nyxx' kasama ang tambalang 'FranSeth' at 'JMFyang.'

11 of 23

Althea Ablan

Isa rin si Sparkle actress Althea Ablan sa mga dumalo sa premiere night ng pelikula. Sa ikalawang bahagi ng pelikula, gaganap siya bilang si 'Pia.'

12 of 23

Dylan Yturralde

Naroon din si Kapamilya actor at PBB: Gen11 ex-housemate Dylan Yturralde. Gaganap siya bilang si 'Marco' sa ikalawang segment ng pelikula.

advertisement
13 of 23

Karina Bautista

Ang Kapamilya actress na si Karina Bautista ay present din sa premiere night. Siya naman ang gaganap sa karaker ni 'Callie' kasama ang tambalang Francine at Seth sa taong '2025.'

14 of 23

Arkin Lagman

Dumalo rin ang Kapamilya singer and actor na si Arkin Lagman sa premiere night ng pelikula. Siya naman si 'Ice,' isa sa mga cast ng '2025' segment ng pelikula.

15 of 23

Matt Lozano

Kabilang din si Sparkle actor Matt Lozano sa mga dumalo sa red carpet premiere. Isa siya sa mga bida sa ikatlong segment sa taong '2050,' gaganap siya bilang si 'Dong.'

advertisement
16 of 23

Sassa Gurl

Dumalo rin ang content creator na si Sassa Gurl na kabilang naman sa present time segment ng pelikula bilang si 'Sky.'

17 of 23

Michael Sager

Si Kapuso actor at PBB Celebrity Collab ex-housemate naman na si Michael Sager ang host ng naturang red carpet premiere. Siya ang official host sa lahat ng premiere nights ng 51st Metro Manila Film Festival film entries ngayong 2025.

18 of 23

Celyn David, Angelica Lao, Raven Rigor, Sarah Edwards, Shecko Apostol

Present din ang mga rising artist na gumanap na mga 'Aswang' sa pelikula katulad nina Angelica Lao, Raven Rigor, Sarah Edwards, at Shecko Apostol; kabilang din si Celyn na gaganap naman bilang si 'Drea' na kapatid naman ng karakter ni Matt Lozano.

advertisement
19 of 23

Annabelle Rama

Full support naman ang ina ni Richards Gutierrez na si Annabelle Rama sa red carpet premiere night ng pelikula.

20 of 23

Ruffa Gutierrez and Lorin Bektas

Magkasamang lumakad sa red carpet ang mag-inang si Ruffa at Lorin upang suportahan si Richard Gutierrez sa pelikula sa darating na MMFF 2025.

21 of 23

Fatima and Mona Alawi

Todo-suporta naman ang pamilya ni Ivana. Dumalo sa premiere night ang ina nitong si Fatima at ang kapatid at kapwa content creator and actress na si Mona Alawi.

advertisement
22 of 23

Direk Shugo Praico

Hindi rin mawawala sa mga listahan ng dumalo ang isa sa tatlong direktor ng pelikula na si Direk Shugo. Siya ang nag-direct ng unang segment ng pelikula na '1775.'

23 of 23

Direk Ian Loreños

Kasama rin sa lumakad sa red carpet ang isa pa sa mga direktor na si Direk Ian. Siya naman ang nasa likod ng ikatlong segment ng pelikula na nakatuon sa future sa taong '2050.'

Around GMA