Shamcey Supsup-Lee's take on '2016' trend is a heartwarming motherhood throwback

Binalikan ni former beauty queen Shamcey Supsup-Lee ang simula ng kaniyang motherhood journey nang sumabak siya sa nauusong trend na #2016 sa social media.
Ang #2016 trend ay isang trend kung saan ibinabahagi ng isang tao kung ano ang naging buhay nila noong taong 2016. Sa Instagram, inalala ni Shamcey kung papaano nila sinalubong ng asawang si Lloyd Lee ang anak nilang si Nyla, sampung taon na ang nakakaraan.
“#2016 will always be unforgettable. The year I became a mom 💖 The year my world shifted, and my heart grew bigger. The year I was given the greatest gift - Nyla,” sulat ni Shamcey sa kaniyang post.
“Happy 10th birthday, my love! You will always be my baby, no matter how old you get. We love you 😘” pagtatapos ng dating beauty queen sa kaniyang post.
Ipinanganak ni Shamcey Supsup-Lee ang anak nila ni Lloyd Lee noong 2016, limang taon matapos ang kaniyang Binibining Pilipinas journey noong 2011 kung saan nasungkit niya ang korona. Noong 2018 naman ay ipinanganak niya ang ikalawa nilang anak noong 2018.
RELATED CONTENT: TINGNAN ANG IBA PANG KAPUSO CELEBRITIES NA KUMASA RIN SA #2016 TREND DITO:









