Sheena Halili's daughter Martina is a future star

Isang video ng anak ni Sheena Halili na si Martina ang kinagigiliwan ngayon sa Instagram.
Kamakailan lang, in-upload ni Sheena ang video ng kanyang daughter, kung saan makikita siya na nagpo-pose habang nasa beach.
Cute na cute si Martina habang nage-emote sa harap ng camera na parang isang professional model at artist.
Suot ang kanyang yellow dress, rumampa na parang isang dalaga si Martina.
Mula sa facial expressions hanggang sa pagpo-pose, hindi maikakaila na isa siyang certified celebrity baby.
Ang kapwa celebrity mom ni Sheena na si Camille Prats, hindi na napigilan ang pagkatuwa sa little girl ng una.
Napa-comment na si Camille ng “Asus naman 'yan!!!”
Bukod kay Camille, umani rin ng positive comments mula sa netizens ang naturang video ni Martina.
Ang isang netizen, sinabing GMA future Sparkle star daw ang anak ni Sheena.
Mula nang isilang ni Sheena ang anak nila ng lawyer na si Atty. Jeron Manzanero, napuno na ng adorable photos at videos ni Martina ang Instagram wall ng celebrity mom.


































