Shirley Kuan, mariing itinanggi na may kinalaman siya sa pagkakansela ng kasal ni Bea Alonzo sa Spain

Binasag na ng dating manager ng aktres na si Bea Alonzo na si Shirley Kuan ang kaniyang katahimikan sa isang eksklusibong panayam sa press upang linawin ang mga pambabatikos laban, isa na rito ang kaniyang diumano'y pakikialam sa kasal ng kaniyang dating alagang si Bea Alonzo sa businessman na si Vincent Co.
READ: Shirley Kuan reveals reason for resignation as Bea Alonzo's manager
“The reason I called for this interview kasi I feel that it's time for me to tell the truth and defend myself. Kasi parang mali 'yung mga sinusulat on the part na nagtampo ako kasi hindi ako pinagtanggol,” ani Shirley sa kanyang interview with select members of the Entertainment press kamakailan.
Ibinanggit pa ng dating manager ng aktres na isa raw sa rason din sa pagharap niya sa press ay upang patunayan na kaya niyang ipagtanggol ang sarili.
“Nagmukha akong weakling, bakit ko hinihintay na ipagtanggol ako ni Bea? Kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko, but, you have to know why,” pahayag niya.
Tahasang namang itinanggi ni Shirley Kuan ang mga pinalalabas na balita na siya ang dahilan o “culprit” sa pagka-antala at pagka-cancel ng kasal ng aktres sa Spain, at ipinaliwanag na kaya lamang siya nanahimik nung una ay dahil sa mismong pakiusap ng aktres.
Ayon sa kaniya, agad niyang tinawagan si Bea Alonzo nang lumabas ang mga maling artikulo upang tanungin kung ano ang nangyayari. Nakiusap daw ang aktres na huwag na siyang magsalita upang hindi na lumaki pa ang isyu.
“Noong lumabas 'yung article na ako raw ang reason or culprit, whatever you call it or the meddler kaya na-cancel 'yung wedding in Spain, I immediately, when I saw it, I called Bea. I said 'Bea, what's this?' Sabi niya, 'I don't know.' Tapos sabi ko, 'We both know the truth, right?' And, sabi niya agad sa akin 'Please, SK, promise me you won't say anything. Kasi ayoko nang lumaki pa,'” giit niya.
READ: Shirley Kuan denies using Bea Alonzo as her 'cash cow'
Ayon pa kay Shirley, tinupad niya raw ang pangakong ito bilang pagrespeto sa estado ng alaga, ngunit ang kaniyang pananahimik ay ginamit lamang umano ng iba upang lalo siyang tirahin at palabasing isang “kontrabida”.
“S'yempre pagbibigyan mo 'yung alaga ko, heartbroken at that time. You try to accommodate her wishes kasi ayaw niya sigurong lumaki na. So, talagang I kept quiet. But, ayaw tumigil. Dahil hindi ako sumasagot, lalo akong tinitira. Patindi na nang patindi,” saad ng dating manager.
Dagdag pa sa sinabi ni Shirley: “Because I promised her, I kept quiet. In other words, she did not allow me to defend myself. I didn't take it against her because at that time that's how she felt, I respected that. Kaso, pati noong natuloy na [ang kasal], ako pa rin ang villain. Parang, teka lang, why am I supposed to be the villain here? Wala naman akong ginawa.”
Lalo pang pumatok ang kaniyang galit nang matuloy ang kasal at lumabas ang mga usap-usapan na natuloy lamang ito dahil hindi na siya nakialam.
“So, when I talk to Bea; well, the reason why they are making me the villain, just to let you know, in case you didn't hear it or read it, parang [sinasabi nila na] 'Finally, natuloy na rin 'yung kasal kasi hindi na nakialam si Shirley Kuan.' Parang ginawa pa rin akong kontrabida. Hindi ko na lang sinagot din,” ani Shirley.
“Ako naman, ang reason ko naman ngayon; kasi, kinasal na why would I rain on their parade? Let them be happy. Ayoko ngang maging kontrabida,” giit pa niya.
Dahil dito, nagpasya ang dating manager na depensahan ang sarili, lalo't bago siya opisyal na nag-resign noong Agosto 11 ay direkta raw niyang tinanong si Bea Alonzo kung may ginawa o sinabi ba siya kahit pabiro na naging dahilan ng pagka-cancel ng kasal, na mabilis namang itinanggi ng aktres.
“But anyways, I will just let you know, nung kinausap ko si Bea, when I resigned last August 11; ang sabi ko kay Bea, 'I just wanna make things clear, malinaw naman tayo 'di ba? Ako ba ang nagpacancel ng kasal niyo?' Sabi niya, 'No. Hindi!' Okay, I look further pa; [sabi ko] 'At anytime, kahit pabiro, even in jest, did I tell you to cancel the wedding? Baka nakalimutan ko lang.' Sabi niya, 'No. Never!' Okay malinaw 'yan!” pahayag ni Shirley.
Handa rin raw umano si Shirley Kuan na maglabas ng sariling “resibo” upang patunayan ang mga maling bintang sa kaniya at hinamon ang mga nagpapakalat ng maling balita ukol sa kaniya.
“Meron akong resibo, kung gusto niyo malaman, I can prove na hindi ako kasali d'yan. Ang tanong; 'yung mga nagpapalabas na kasalanan ko, na ako ang nagpa-cancel, maglabas sila ng resibo, kasi ako kaya ko maglabas,” mapanghamong pahayag ni Shirley.
Nagsimula ang mga tsismis nang lumabas ang mga ulat na may nangialam umanong tao mula sa kampo ni Bea sa planong kasal sa Spain.
Gayunman, walang patunay ang mga haka-hakang ito sa social media at hindi ito kailanman kinumpirma nina Bea at Vincent.
Ikinasal sina Bea Alonzo at ang negosyanteng si Vincent Co noong Hulyo 13, 2026. Naganap ang kanilang simpleng civil wedding sa Makati City Hall na pinunuan at ipinagkasundo mismo ni Mayor Nancy Binay.
RELATED CONTENT: From dating rumors to marriage: Bea Alonzo and Vincent Co's relationship timeline









