Showbiz couples na naghiwalay at nagkabalikan din

Isang buwan matapos kumpirmahin ang kanilang hiwalayan, usap-usapan sa social media ngayon ang umano'y pagbabalikan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.
Ito ay matapos mag-post sa Instagram ang travel organizer brand ni Bea na Bash Manila ng picture kung saan makikitang may suot na singing ang aktres, na pinaniniwalaang engagement ring na binigay sa kanya ni Dom, habang hawak ang isang cream-colored travel pouch.
Marami ang natuwa sa posibilidad ng pagbabalikan nina Bea at Dom. Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa kung totoo ito. Marami rin ang umaasa na matutuloy ang naudlot nilang kasal na inaabangan ng kanilang fans.
May ilan din ang nagdududa sa ispekulasyong nagkabalikan sila dahil sa palagay nila ay old photo ito ng Bash Manila na kinunan matapos mag-propose si Dom kay Bea noong July 2023 at ma-engage. Base sa mga ulat, binalik ni Bea kay Dom ang singsing nang putulin niya ang kanilang engagement.
Samantala, hindi na bago ang ganitong personal na isyu sa mga celebrity couple. May ilang magkasintahan din ang nagpasyang putulin na ang kanilang ugnayan pero matapang na sinubukang makipagbalikan matapos maayos ang kanilang relasyon.
Narito ang ilang showbiz couples na nakamit ang kanilang second chance sa pag-ibig.













