Fast Talk with Boy Abunda
Showbiz news that shocked us in 2025

Umuugong ang mundo ng showbiz noong 2025 dahil sa sunod-sunod na mga rebelasyong ikinagulat ng publiko, mga kwentong matagal nang binubulong, ngayon ay lantad na. Sa 'Fast Talk with Boy Abunda,' ilan sa mga personalidad ang naglakas-loob na humarap at magsalita, nagbigay-linaw sa matagal nang bulong-bulungan, at nagbigay-boses para sa pusong dinurog ng intriga. Mula sa isyung personal hanggang sa kontrobersiyang may legal na bigat, ang mga panayam ay nagsilbing salamin ng katotohanang matagal nang hinihintay ng madla.
Ito ang ilan sa shocking revelations ng 2025 na hindi lang umalingawngaw sa telebisyon, kundi tumatak din sa kamalayan ng publiko.







