Showbiz Roundup: PBB Celebrity Collab Edition Big Night, red carpet looks, celebrity engagement, and more

GMA Beyond 75 red carpet looks, successful Big Night ng PBB Celebrity Collab Edition na sinundan pa ng announcement ng season 2, at iba't iba pang maiinit na balita ang pinag-usapan sa mundo ng showbiz ngayong linggo.
Pagkatapos ng ginanap na 75th Anniversary Special ng GMA Network na GMA Beyond 75, pinagusapan ng netizens ang red carpet looks ng mga Kapuso. Kabilang dito sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Barbie Forteza, David Licauco, at marami pang iba.
Napag-usapan din ang good news na engaged na ang Kapuso host na si Anjo Pertierra sa Gracenote vocalist na si Eunice Jorge. Samantala, sa paglabas nila sa Bahay ni Kuya ay dinepensahan ni Bianca De Vera si Dustin Yu sa bashers. Naging maugong din ang Big Night ng PBB Celebrity Collab Edition na sinundan pa ng announcement ng season 2 ngayong 2025.
Hindi naman magandang balita, pumanaw na ang columnist and talent manager na si Lolit Solis. Inilahad naman nina Kiefer Ravena at Diana Mackey ang pinagdaanang miscarriage.
Balikan sa gallery na ito ang iba pang hottest showbiz news this week.









