Showbiz roundup: Shuvee Etrata's confession, Kylie Padilla regretting 'Encantadia exit,' 'Sang'gre's powerful premiere, and other hottest celebrity news this week

Nabalot ng iba't ibang maiinit na mga balita ang mundo ng showbiz ngayong linggo.
Isang linggo matapos ma-evict sa Bahay Ni Kuya, inamin ni Shuvee Etrata ang pagkadismaya niya kay AZ Martinez, na nag-nominate sa kanila ng ka-duo niyang si Klarisse De Guzman. Gayunpaman, sinabi ni Shuvee na napatawad na niya ang kapwa niya Sparkle artist.
Mainit ding pinag-usapan ang controversial exit ni Kylie Padilla sa prequel ng 'Encantadia' noong 2017. Kinailangan niyang umalis sa serye para pagtuunan ang kanyang pagbubuntis sa pangalawa niyang anak na si Axl Romeo. Aniya, "Sad lang ako every time na I watch it and I see my three sisters nung wala si Amihan. Heartbroken every time I watched it.”
Samantala, maugong din ang pilot week ng 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' na trending sa social media. Pinag-usapan ng avid 'Encantadia' fans ang special effects ng programa, twist sa kwento, at ang pagganap ng mga artistang kabilang dito gaya ni Rhian Ramos na gumaganap bilang Mitena.
Balikan sa gallery na ito ang iba pang hottest showbiz news nitong nakaraang pitong araw.







