Shuvee Etrata, certified lola's girl

Tampok si Shuvee Etrata sa latest episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, na ipinalabas nitong Linggo, August 24.
Dito ay nakasama ni Shuvee ang kanyang suitor na si Anthony Constantino at ang KMJS Team na lumipad sa Polomolok, South Cotabato, ang hometown ng una na pinagmulan ng kanyang ama.
Related gallery: Shuvee Etrata's homecoming in Polomolok
Sa naturang episode, ipinasilip ang nakaaantig na reunion ng Sparkle actress at kanyang pamilya sa Polomolok, kabilang na ang kanyang Lola Carmencita.
Sa panayam ng KMJS host na si Jessica Soho sa pamilya ni Shuvee, nabunyag na isa pa lang lola's girl ang ex-housemate ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Dito ay inalala nina Lola Carmencita at Shuvee ang ginawang pagsanla ng una ng kanyang pension para manalo ang kanyang apo sa isang beauty contest noong siya ay bata pa.
Sa kalagitnaan ng kanilang kwentuhan, emosyonal na sinabi ni Lola Carmencita na ipinagmamalaki niya si Shuvee.
“Proud talaga ako [kay Shuvee],” sabi niya.
Kasunod nito, tila nabunyag na tulad ni Shuvee ay palabiro rin ang kanyang Lola.
Sabi ni Lola Carmencita kay Jessica, “Wala bang ano sa inyo na pwede ako mag-extra, mag iyak iyak?”
Si Shuvee ay nakilala sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bilang Island Ate ng Cebu.
Siya ang final duo ng Kapamilya housemate na si Klarisse De Guzman.
Samantala, kilalanin ang ilang pang celebrities na laki sa kanilang lolo at lola:






















