News

Shuvee Etrata fulfills dream of buying a car

GMA Logo Shuvee Etrata with her car
Courtesy: Shuvee Etrata (Facebook)

Photo Inside Page


Photos

Shuvee Etrata with her car



Masayang ibinalita ni Shuvee Etrata na natupad na ang isa sa kanyang mga pangarap- ang makabili ng sariling sasakyan.

Sa latest social media posts ni Shuvee, ibinahagi niya ang isang photo, kung saan tampok ang kanyang latest achievement.


Sulat ng Nation's Darling sa caption ng kanyang Instagram Story, “More than a car, it's a dream come true.”

Dagdag pa niya, “Brb, crying cause I finally had my first car.”

Mababasa naman sa caption ng kanyang Facebook post, “Laban mga breadwinners. Kung kaya ko, kaya mo rin.”


Samantala, bukod sa pagbili ng sasakyan, isa rin sa mga pangarap ng Sparkle star ay ang makapagpatayo ng sariling bahay para sa kanyang pamilya.

Sa previous interview ng Kapuso broadcast journalist na si Kara David kay Shuvee sa isang episode ng I-Listen, inilahad ng huli na maipapatayo na niya ang kaniyang dream house sa susunod na taon.

Pahayag niya, “Maybe next year, buo na siya. Sa Mindanao at sa Polomolok. Next year is my goal talaga.”

Samantala, si Shuvee ang isa sa mga paboritong ex-housemates ng Pinoy viewers sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Nakilala siya rito bilang Island Ate ng Cebu at parte ng ShuKla, ang isa sa duos noon sa loob ng Bahay Ni Kuya na sina Shuvee at Klarisse De Guzman.

Tingnan ang favorite moments ni Shuvee sa kanyang recent trip sa Japan:


Shuvee Etrata 
Shibuya Crossing 
With Will Ashley and Ralph De Leon 
Food trip
Trio 
Cute 
Outfits in Japan 
Memorable 
Next

Around GMA

Around GMA

Epstein files release highlights Clinton, makes scant reference to Trump
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays