Shuvee Etrata, grateful sa lahat ng blessings na dumarating sa kaniya

Matapos ang kaniyang pananatili sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, nagsunod-sunod ang blessings ni Kapuso star Shuvee Etrata, bagay na ipinagpapasalamat niya nang husto. Sa katunayan, ilang pangarap niya na ang unti-unting natutupad, kasama na ang pagkakaroon ng sariling kotse.
Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, September 19, kinumusta si Shuvee ni King of Talk Boy Abunda kung ano ang nararamdaman niya ngayon.
Sagot ng aktres, “Masaya. Masayang-masaya, Tito Boy, sobrang saya.”
Dagdag pa ni Shuvbee ay worth it lahat ng sakripisyo niya, at ang pananatili niyang faithful at hopeful “for a better future” para sa kaniyang pamilya.
Tingnan sa gallery na ito kung gaano ka-grateful si Shuvee sa blessings na natatanggap niya:









