Shuvee Etrata, nakiisa sa relief operations ng Boy Scouts of the Philippines sa Cebu

Dumalo si Kapuso star Shuvee Etrata sa relief operations ng Boy Scouts of the Philippines sa Cebu.
Bahagi ito ng duties niya bilang first female ambassador ng grupo.
Naghatid sila ng tulong sa mga apektado ng nakaraang lindol sa San Remigio at sa Medellin.
Matatandaang tumama ang isang 6.9 magnitude earthquake sa Cebu noong September 30 at nag-iwan ng malawakang pinsala sa hilagang bahagi ng probinsiya.
"Masaya ako na nakita ko kayo, na okay kayo, na andyan pa rin ang mga ngiti nyo sa kabila ng mga nangyari. Thank God, buhay tayo. May blessings na darating sa inyo. Kahit nagdaan kayo sa hirap, huwag kayong mag-alala, kaya n'yo 'yan. May darating na tulong sa inyo," pahayag ni Shuvee sa mga kapwa niya Cebuano.
Nagpasalamat din si Shuvee sa Boy Scouts of the Philippines dahil nabigyan siya nito ng platform para tumulong sa kanyang mga kababayan.
"Maraming salamat sa mga nagpunta ngayon, mga Boy Scouts na nandito. It's not about the uniform ha. Ang ating essence of being a scout is not about the uniform, it's not about the badges, it's not about the name, it's about how you help. I hope with me, extending my helping hand, I hope to inspire you guys. Buti nandiyan kayo na sa panahon ng kailangan ng tulong, nakahanda kayong tumulong," mensahe niya.
Silipin ang relief operations ng Boy Scouts of the Philippines sa Cebu kasama ang kanilang first female ambassador na si Shuvee Etrata dito.









