Simpleng panadero, makikilala ang anak na itinago sa kanya sa 'Regal Studio Presents: Pan de Daddy'

GMA Logo Entertainment

Photo Inside Page


Photos

Entertainment



Para sa mga ulirang ama ang bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'

Isang simpleng panadero si Julius at biglang magbabago ang buhay niya nang malaman niyang mayroon pala siyang isang teenage son.

Makikilala niya si Luke, ang anak na matagal itinago sa kanya ng kanyang ex-girlfriend.

Paano hahabulin ng mag-ama ang lahat ng oras na nasayang sa pagitan nila?

Tampok sa special Father's Day presentation na ito ang real life father and son at kapwa actor na sina Niño Muhlach at Sandro Muhlach.

Abangan ang Father's Day special at brand new episode na "Pan de Daddy," June 18, 4:15 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'

Tunghayan ang simulcast nito sa GMA at GTV o kaya ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Niño Muhlach
Sandro Muhlach
Surprise
Hide
Bonding
Father's Day
Pan de Daddy

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City