Fast Talk with Boy Abunda

Singer-songwriter Maki opens up about harassment experience

GMA Logo Maki talks about harassment
Source: clfrnia_maki/IG

Photo Inside Page


Photos

Maki talks about harassment



Kilala ang singer-songwriter na si Maki sa makukulay niyang mga awitin tulad ng “Dilaw,” “Bughaw,” Namumula,” “Kahel na Langit,” at iba pa. Ngunit malayo sa mga kanta niyang puno ng kulay ang naging karanasan ng singer para makapasok sa industriya.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, August 7, ibinahagi ni Maki ang isa sa pinakamalaking pagsubok niya para lang makapasok sa showbiz. Ito ay noong nakaranas siya ng harassment sa isang audition.

Sa naturang episode, tinanong siya ni King of Talk Boy Abunda kung nagkaroon na ba ng pagkakataon na nasabihan siyang hindi siya pwedeng maging singer. Kwento ni Maki, maraming beses na. Ngunit aniya, okay lang sa kaniya ang rejections.

“Kasi para po sa akin, when you do something, or if you take a risk, always learn or always know, na as much as you want to be accepted, dapat ready ka ma-reject,” sabi ni Maki.

Ngunit ayon sa singer-songwriter, isa sa mga karanasan niya na higit pa sa rejection ay noong nag-audition siya noong 15 taong gulang siya. Aniya, gusto sana niya sorpresahin ang mga magulang niya kaya nagpunta siya sa isang lugar para mag-audition.

Pagbabahagi ni Maki, “I did everything, nag-acting, singing, dancing in front of one person kasi ni-lock niya 'yung pinto, tapos ayoko na po mag-dive into details, pero nag-audition po kasi ako to become an artist, and then after the audition po, tinanong niya ako ng mga questions po na medyo hindi po siya pambata, 'yung mga tanong.”

Pag-amin ng “Dilaw” singer, iyon ang unang pagkakataon na nakatanggap ng ganoong uri ng mga tanong kaya't hindi niya alam ang isasagot, at hindi na rin niya maalala kung ano ang mga sinagot niya noon.

Paglilinaw ni Boy, “Were you sexually harassed? Were you verbally, sexually harassed? Because harassment comes in many forms. Naramdaman mo ba na na-violate ang iyong pagkatao?”

Dito, ang sagot ni Maki, “Ay, opo. Yes po.”

Tinanong ulit ni Boy kung ang mga sinasabi ba ng nagpa-audition ay parang kapag pumayag si Maki sa mga gusto nito ay pasisikatin siya, na sinagot naman ng singer na “Malapit na po [doon].”

Ani Maki, nagpaalam lang siya na gagamit ng banyo para makaalis, at hindi na bumalik. Ibinahagi rin niyang umiiyak siya noon sa jeep habang pauwi. Ngunit paglilinaw niya ay hindi iyon dahil sa ginawa ng nagpa-audition, kundi dahil inakala niyang hindi siya makakapasok sa show business.

“Akala ko hindi po para sa akin 'tong industry kasi maybe it's too harsh for me, maybe I'm not ready yet for this dream, so if my dream is too big, baka hindi ako bigyan ng ways to achieve it,” sabi ni Maki.

Pag-amin pa ng singer-songwriter, pumunta lang siya sa audition na iyon para tuparin ang mga pangarap niya na inakala niyang hindi na matutupad. Nilinaw din ni Maki na hindi naman siya hinawakan physically, ngunit naramdaman niyang na-expose siya.

Tanong sa kaniya ni Boy, “Para kang hinubaran in that conversation?”

“Metaphorically, parang ganu'n po 'yung naisip ko kahit hindi physically po, pero parang I felt na I was really, really exposed,” sabi ni Maki.

BALIKAN ANG ILANG CELEBRITIES NA NAKARANAS DIN NG HARASSMENT SA GALLERY NA ITO:


Kat Alano
Yasmien Kurdi
Patrizha Martinez
Maureen Mauricio
Julia Clarete
Cherry Pie Picache
Maggie Wilson
Sunshine Cruz
Rhian Ramos
Ambra Gutierrez
Gretchen Fullido
Miss Earth 2018 candidates
Bea Rose Santiago
Lauren Young
Janina Vela 

Around GMA

Around GMA

Trump wants nations to pay $1 billion to stay on his peace board, report says
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week