Single mom, magiging caretaker ng haunted house sa 'Magpakailanman'

Mapapaaga ang spooky season sa bagong episode ng Magpakailanman.
Pinamagatang "Haunted House for Rent," kuwento ito ng isang single mother na magiging caretaker ng isang lumang bahay.
Mapapalayas sa inuupahan nilang apartment si Grace (Rochelle Pangilinan), kapatid niyang si Aisa (Vaness del Moral), at anak niyang si James (Marco Masa).
Para kumita ng pera at may agad na malipatan, tatanggapin ni Grace ang alok ng isa sa kanyang mga kaibigan na maging katiwala ng isang abondonadong bahay.
Sa pagtira nina Grace doon, unti-unti silang makakaranas ng mga hindi maipaliwanag na pangyayari.
Makakaalis pa ba sina Grace sa haunted house na ito?
Abangan ang brand-new episode na "Haunted House for Rent," September 21, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






