Sino ang bagong hirang na MMFF Best Actor na si Cedrick Juan?

Naging maingay ang pangalan ni Cedrick Juan matapos siyang tanghalin bilang Best Actor sa "Gabi ng Parangal" ng 2023 Metro Manila Film Festival.
Tinalo ni Cedrick sa naturang kategorya ang mga malalaking pangalan at batikang aktor sa bansa kasama si Christopher De Leon, Dingdong Dantes, Derek Ramsay, Piolo Pascual, at Alden Richards.
Nagbunga ang ipinakitang husay ni Cedrick sa kanyang pagganap bilang si Padre Jose Burgos sa historical film na GomBurZa. Kaya naman siya ang itnuring na breakout star sa naturang film festival.
Pero sino nga ba si Cedrick sa likod ng kanyang tropeyo bilang Best Actor? Mas kilalanin siya sa gallery na ito:














