Smokey Manaloto, ipinakilala ang non-showbiz na asawa: 'Nanay reveal muna'

Para sa aktor at komedyanteng si Smokey Manaloto, isa sa pinakaimportanteng parte ng buhay niya ay nang isilang ang kanyang anak na si Kiko. Kaya nang binyagan ito kamakailan, hindi nagdalawang-isip ang dating Underage actor mag-“nanay reveal” at ipakilala ang non-showbiz wife niyang si Cassie Brazal.
Sa Instagram, nag-post si Smokey ng ilang mga larawan nila matapos mabinyagan si Kiko noong June 25.
“At heto na nga!!! Nabinyagan na at ganap nang Kristiyano ang anak kong si Kiko!!!” caption ni Smokey sa kanyang post.
Unang nalaman nina Smokey at Cassie na magkakaanak sila noong 2021, at ipinanganak naman si Kiko noong August 7, 2022. Una rin ibinahagi ni Smokey na isa na siyang ama sa edad na 51 sa pamamagitan ng isang Tiktok video, kung saan ibinahagi niya ang pagbubuntis ni Cassie at pagkapanganak ni Kiko.
Ayon sa aktor ay marami pang pictures ng binyag at reception na dapat abangan subalit ngayon ay “nanay reveal na muna” ang kaniyang ipinakita.
Tingnan ang unang mga litrato nina Smokey at ng kanyang pamilya sa gallery na ito.






