SNEAK PEEK: Anak, inilihim ang tunay na pangarap sa ama sa 'Regal Studio Presents: My Favorite Son'

Family drama comedy naman ang hatid ngayong Linggo ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents!'
Tampok dito si Will Ashley at Prince Carlos bilang magkapatid na pinalaki ng isang single father.
Si Will ay si Christian, ang paboritong anak. Pangarap ng kanilang tatay na maging seaman si Christian.
Si Prince naman ang nakakatandang kapatid na si Carlo. Isa siyang mabuting kapatid at anak kahit na hindi masyadong nakakatanggap ng atensiyon at aruga mula sa ama.
Wala ang puso ni Christian sa pagsi-seaman dahil mas gusto niyang i-pursue ang music. Hindi niya ito maaamin sa ama kaya kay Carlo niya ibabahagi ang tunay niyang mga plano.
Maging supportive kaya ang kanyang ama sa mga pangarap niya?
Abangan 'yan sa "My Favorite Son" sa January 16, 4:35 pm sa 'Regal Studio Presents.'
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:






