SNEAK PEEK: Anak, malayo ang loob sa tunay na ina sa 'Regal Studio Presents: I Have Two Moms'

Mahahati ba ng isang anak ang pagmamahal niya para sa dalawang ina?
'Yan ang dapat abangan sa "I Have Two Moms," ang bagong episode mula sa Regal Studio Presents.
Overseas Filipino worker o OFW sa Canada ang nanay ni Kenneth na si Ethel.
Kaya naman lumaki siya sa piling ng kanyang tita na si Sarah na itinuturing na rin niyang isang ina.
Sorpresa namang uuwi si Ethel matapos ang pitong taon para makasama ang anak.
Paano tatanggapin ni Kenneth ang pagbabagong ito?
Abangan 'yan sa "I Have Two Moms," December 18, 11:15 a.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






