SNEAK PEEK: Ang 'El Filibusterismo' at ang pag-uwi ni Klay sa 'Maria Clara at Ibarra'

Palapit na nang palapit ang bagong yugto ng hit historical portal fantasy series na 'Maria Clara at Ibarra.'
Sa pagtawid ng serye mula sa "Noli Me Tangere" patungong "El Filibisterismo," magpapatuloy ang kuwento matapos ang 13 years.
Dala nito ang maraming pagbabago sa bayan ng San Diego pati na mga bagong karakter sa kuwento.
Bukod diyan, nakatakda ring umuwi si Klay (Barbie Forteza) sa sarili niyang mundo sa pagtatapos ng unang nobela.
Ano pa ba ang mga dapat abangan sa bagong yugto ng 'Maria Clara at Ibarra?' Silipin 'yan dito.
Samantala, huwag bibitiw sa mas tumitinding mga eksena ng 'Maria Clara at Ibarra,' Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Maari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng 'Maria Clara at Ibarra' sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.
























