SNEAK PEEK: Ang pagbabalik nina Lia, Brian, at Rachel sa Pilipinas sa 'The World Between Us'

Sa pagsisimula ng bagong kabanata ng The World Between Us, magbabalik na rin sa Pilipinas ang mga Libradilla mula sa Amerika.
Napagdesisyonan kasi ni Rachel (Dina Bonnevie) na manirahan muna Amerika kasama ng kanyang mga anak na sina Lia (Jasmine Curtis-Smith) at Brian (Tom Rodriguez) upang maging malapit sa isa't isa, at malayo kay Louie (Alden Richards).
Ngayong magbabalik na sila sa Pilipinas, babalikan na rin kaya ni Lia si Louie?
Bago ang episode mamaya ng 'The World Between Us,' narito ang ilang pasilip sa pagbabalik ng mga Libradilla.





