SNEAK PEEK: Bagong pag-ibig ng ina, tututulan ng anak sa 'Regal Studio Presents: Never Too Late'

GMA Logo Never Too Late

Photo Inside Page


Photos

Never Too Late



Makakahanap ng bagong pag-ibig ang isang biyuda at isang delivery rider sa Regal Studio Presents.

Mag-isa lang sa bahay si Cecilia lalo na at may sarili nang pamilya ang kanyang mga anak.

Madalas naman bumisita ang isa sa kanyang mga anak, si Bernice pero lagi lang nauuwi sa pagtatalo ang pagbisita nito. Gusto kasi ni Bernice na tumira na si Cecilia sa poder niya para mas maalagaan siya nito.

Ayaw naman ni Cecilia na umaasa sa kanyang anak kaya abala siya sa kanyang homemade kimchi business.

Dahil rin sa negosyo niyang ito, makikilala niya ang delivery rider na si Angelo.

'Di magtatagal, magiging close sina Cecilia at Angelo. Ang delivery rider kasi ang nagbibigay ng companionship na inaasam ni Cecilia.

Hindi naman magugustuhan ni Bernice ang bagong "fling" ng kanyang ina. Matatanggap ba ni Bernice ang relasyon nina Cecilia at Angelo?

Abangan 'yan sa "Never Too Late," December 11, 11:15 a.m. sa 'Regal Studio Presents.'

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Klea Pineda
Arlene Muhlach
Earl Ignacio
Close
Fling
Worry
Never Too Late

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd at Grand Parade, Ritual Showdown hits 3.3M
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE
24 Oras Weekend Express: January 18, 2026 [HD]