SNEAK PEEK: Fangirl, makikita ang kanyang idol sa 'Regal Studio Presents: Win a Date'

Para sa lahat ng fangirls and fanboys ang bagong episode ang weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'
Pinamagatang "Win a Date," tungkol ito sa isang lucky fangirl na mami-meet ang kanyang idol.
Sobrang obsessed si Kylee sa celebrity heartthrob na si Angelo.
Kaya naman sumali kaagad siya sa isang contest kung saan maari siyang manalo ng dinner date kasama ito.
Pero paano kung ibang iba ang tunay na Angelo kaysa sa image na hinahangaan ni Kylee?
Abangan 'yan sa "Win a Date," September 25, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






