SNEAK PEEK: First kiss nina Klay at Fidel sa 'Maria Clara at Ibarra'

Dala ng original characters na sina Klay (Barbie Forteza) at Fidel (David Licauco) ang light moments at kilig sa gitna ng paglalim ng kuwento ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Umamin na si Fidel kay Klay tungkol sa pag-ibig niya at nauwi pa ito sa awkward na marriage proposal.
Siyempre, confused ang ating bida at tinanggihan ang alok na kasal ni Fidel. Gayunpaman, desidido si Fidel na suyuuin si Binibining Klay.
Mauuwi ang pagdadala ni Fidel ng mga bulaklak kay Klay sa first kiss ng dalawa! Paano ito nangyari?
Abangan 'yan sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Maari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, narito ang sneak peek ng first kiss nina Klay at Fidel sa Maria Clara at Ibarra.






