SNEAK PEEK: Heartbroken singer at bago niyang gitarista, hirap magkasundo sa 'Regal Studio Presents: Love Your Beat'

GMA Logo Love Your Beat

Photo Inside Page


Photos

Love Your Beat



Magbubukas na ang fifth season at month-long first anniversary specials ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'

Isang episode tungkol sa love at music ang unang offering nito, ang "Love Your Beat."

Kuwento ito ni Det, isang singer na iniwan ng boyfriend niya of seven years. Ang masaklap, gitarista din niya ito sa kanilang banda kaya kinailangang makahanap agad ng kapalit.

Sakto naman na naghahanap ng trabaho si Ian na bagong dating sa Maynila.

Kaya lang, agad ding madidismaya si Ian dahil sa unang gig pa lang, magkakalat si Det dahil sa kalasingan na dala ng heartbreak.

Dahil dito, bibigyan na lang sila ng huling pagkakataon ng bar manager para mag-perform.

Magagawa ba ni Det na lagpasan ang kanyang mapait na break up para sa pagpapatuloy ng banda? Makatulong kaya ang mabubuong koneksyon nina Det at Ian sa pamamagitan ng musika?

Abangan ang "Love Your Beat," ang brand new episode, season five opener at unang offering sa anniversary specials ng 'Regal Studio Presents,' September 11, 4:35 p.m. sa GMA.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Lianne Valentin
Carlo San Juan
Gig
Band
Chance
Music
Love Your Beat

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rain over Luzon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified