SNEAK PEEK: Huling barkadagulan ng 'Mga Batang Riles'

Mapapanood na ngayong gabi ang huling episode ng GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria, at Anton Vinzon.
Labis na nag-aalala si Maying (Diana Zubiri) sa kanyang anak na si Kidlat (Miguel Tanfelix) na nakikipag-away kay Matos (Bruce Roeland) na siyang nagsimula ng sunog sa kanilang lugar.
Nagkaroon din ng madamdaming eksena si Matos kasama ang naging ama-amahan niyang si Rendon (Jay Manalo) na siyang tunay na ama ni Kidlat (Miguel Tanfelix).
Paano kaya malalampasan ng Mga Batang Riles ang panibagong pagsubok na 'to sa kanilang buhay?
Bago ang huling barkadagulan mamayang 8:50 p.m., narito muna ang pasilip.





