IN PHOTOS: Ismael and Amirah's wedding on 'Legal Wives'

GMA Logo Legal Wives

Photo Inside Page


Photos

Legal Wives



Isa sa pinakaaabangang eksena sa pinakabagong GMA Telebabad series na 'Legal Wives' ang kasal ni Ismael (Dennis Trilo) sa kanyang unang asawang si Amirah (Alice Dixson).

Mapapanood ang eksenang ito ngayong gabi, August 10.

Pinakasalan ni Ismael si Amirah dahil sa obligasyon niya sa kanilang angkan.

Biyuda kasi si Amirah ng nakatatandang kapatid ni Ismael na si Nasser (Alfred Vargas).

Para hindi siya ipagkasundo sa iba, iminungakhi ni Hasheeb (Al Tantay) na pakasalan ni Ismael si Amirah upang makapanatili siya bilang bahagi ng angkan ng Makadatu.

Balak sanang tumanggi ni Amirah dahil si Ismael ang sinisisi niya sa pagkamatay ni Nasser.

Pero tatanggapin din niya ang alok dahil ito ang paraan niya para makaganti kay Ismael.

Alam kasi niyang ang kanilang pagpapakasal ang magiging sanhi ng 'di pagkakaintindihan sa pagitan ni Ismael at ng minamahal nitong si Diane na isang Kristiyano.

Bukod dito, mungkahi na rin ito ng anak na si Jamilah (Shayne Sava), na nais manatli sa piling ng mga Makadatu, ang pamilyang kinalakihan niya.

Huwag palampasin ang pinakaabangang kasal nina Ismael at Amirah sa 'Legal Wives,' Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 'The World Between Us' sa GMA Telebabad.

Silipin ang ilang eksena mula sa kanilang makulay na kasal dito:


Amirah
Mothers-in-law
Bride
Preparasyon
Makeup
Color
Ismael
Best friend
Groom
Obligasyon
Behind the scenes
Shayne
Chanel
Pamilya Makadatu
Pamilya Makadatu

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Express: December 16, 2025 [HD]
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection