SNEAK PEEK: Job hunting, tila naging reality competition sa 'Regal Studio Presents: The Applicants'

Job hunting is real sa bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents' na "The Applicants."
Tatlong magkakaibang tao ang magtatagisan para sa isang coveted na posisyon ng prestihiyosong company.
Sino sa kanila ang mananaig--ang sosyal at maarteng si Amor (Athena Madrid), ang happy-go-lucky na si Raf (Blue Cailles) o ang bossy at dominanteng si Juju (DJ Jhai Ho)?
Pareparehong competitive ang tatlo kaya gagawin nila ang lahat para makuha ang posisyon.
Hindi rin gagawing madali ng kanilang prospective boss na si Ms. Yu (Mel Kimura) ang application process para sa tatlo.
Sasailalim sila sa iba't ibang pagsubok kung saan susubukan nilang i-outdo ang isa't isa.
Sino kina Amor, Raf at JuJu ang magtatagumpay?
Abangan 'yan sa episode na "The Applicants," March 6, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:






