IN PHOTOS: Ken Chan at Sanya Lopez, magtatambal sa 'Regal Studio Presents: That Thin Line Between'

GMA Logo That Thin Line Between

Photo Inside Page


Photos

That Thin Line Between



Magtatambal ang mga Kapuso stars na sina Ken Chan at Sanya Lopez sa isang episode ng anthology series na 'Regal Studio Presents.'

Gaganap sila bilang mala aso't pusang magkapitbahay sa romantic comedy na "That Thin Line Between."

Bagong lipat sa isang townhouse ang online seller na si Gemma Rose, ang karakter na gagampanan ni Sanya.

Hindi naman magugustuhan ng accountant na si Julius, role ni Ken, ang ingay tuwing may online live selling ang bago niyang kapitbahay.

Ito ang magiging ugat ng marami nilang mga bangayan! Matututo bang magkasundo ang dalawa sa ngalan ng neighborly love?

Bukod kina Ken at Sanya, bahagi rin ng episode ang young Kapuso stars na sina Shanelle Agustin at Sandro Muhlach. Kasama rin nila ang singer at actress na si Muriel Lomadilla.

Ang batikang writer at director na si Joey Reyes ang bumuo ng konsepto at nagsulat ng episode, habang si Easy Ferrer naman ang nagsilbing direktor nito.

Huwag palampasin sina Ken at Sanya sa 'Regal Studio Presents: That Thin Line Between,' May 15, sa mas pinaagang oras na 11:35 a.m. sa GMA.


Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:


Ken and Sanya
Gemma Rose
Julius
Neighbors
Co-stars
Director
That Thin Line Between

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo