SNEAK PEEK: Kylie Padilla at Ruru Madrid, bibida sa fantasy rom-com na 'Regal Studio Presents: My Fairytale Hero'

New year, new story sa weekend anthology series na Regal Studio Presents!
Siguradong matutuwa ang fans ng tambalan nina Kapuso stars na sina Kylie Padilla at Ruru Madrid dahil sila ang tampok sa fantasy rom-com na "My Fairytale Hero."
Kuwento ito ni Jen, isang fan fiction writer na magkakaroon ng hit story sa internet.
Laking gulat niya nang bigla na lang may guwapo at matipunong lalaki sa kanyang apartment paggising niya isang araw.
Nagpapakilala ito bilang Brando, at naniniwala itong boyfriend siya ni Jen.
Wala rin itong ibang mga alaala kundi mga bagay na isinulat ni Jen sa kanya istorya.
Nabuhay nga kaya talaga si Brando na isang karakter sa sikat na istorya ni Jen?
Si Kylie ang gaganap bilang Jen, habang si Ruru naman ay si Brando.
Abangan ang pagbabalik-tambalan nila sa "My Fairytale Hero" sa April 17, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:






