SNEAK PEEK: Lalaking heartbroken, gustong pagselosin ang ex-girlfriend sa 'Regal Studio Presents: Blind Date'

Isang fun at refreshing story na naman ang mapapanood sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/regal_studio_presents/home/
Sa episode na pinamagatang "Blind Date," magkakaroon ng idea ang isang heartbroken na lalaki kung paano pagseselosin ang ex-girlfriend niya.
Hind pa maka-move on si Kevin nang makipaghiwalay sa kanya ang longtime girlfriend na si Ines pero sa suggestion ng kaibigan niyang si Ramon, papayag siyang makipag-blind date.
Makikilala ni Kevin sa blind date si Stacy na tila polar opposite niya. Very free-spirited at spontaneous si Stacy, habang lagi namang planado at pinag-iisipan ang mga desisyon ni Kevin.
Medyo disaster ang kanilang date at handa na si Kevin na kalimutan ito nang bigla niyang makita si Stacy sa opisina nila.
New employee pala sa kumpanya nila si Stacy! Dito na magkakaroon ng idea si Kevin na gamitin si Stacy para magselos si Ines.
Huwag palampasin ang "Blind Date," July 31, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






