SNEAK PEEK: Law student, bawal magka-jowa sa 'Regal Studio Presents: Ate Knows Best'

GMA Logo Ate Knows Best

Photo Inside Page


Photos

Ate Knows Best



Study now, jowa later.

'Yan ang usapan ng magkapatid sa episode ng Regal Studio Presents na "Ate Knows Best."

Nag-aaral na para sa bar exam ang law student na si Blessie. Dahil ulila na, magiging strict sa kanya ang kanyang Ate Virgie na siya ring nagpapaaral sa kanya.

Ipagbabawal nito ang kahit anong distractions, maging ang pagkakaroon ng boyfriend.

Sasamahan pa ni Virgie si Blessie sa bahay para asikasuhin at siguraduhing tanging pag-aaral na lang ang kailangan niyang gawin.

Pero sa totoo lang, may boyfriend na si Blessie. Ito ang classmate niya sa law school na si Dave na kasabay niyang nag-aaral para sa bar.

Kailangan bang i-give up ni Blessie ang love para sa kanyang pangarap?

Abangan 'yan sa "Ate Knows Best," April 2, 4:40 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Angel Guardian
Sarah Edwards
Dustin Yu
Study
Rule
Coffee
Ate Knows Best

Around GMA

Around GMA

4 weather systems to bring cloudy skies, rains over Luzon
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays