SNEAK PEEK: Mag-asawa, away-bati matapos ang honeymoon phase sa 'Regal Studio Presents: Romy and Julie'

Pagkatapos ng honeymoon phase, ano na?
'Yan ang kuwentong dapat abangan sa "Romy and Julie," ang bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'
Bagong kasal ang young couple na sina Romy at Julie. Lovey dovey ang dalawa at excited na mas makilala ang isa't isa ngayong magkasama na sila sa iisang bubong.
Pero pagkatapos ng honeymoon phase ng kanilang pagsasama, magsisimula na nilang makita ang mga bagay na hindi nila gusto sa isa't isa.
Hindi matagalan ni Romy na hindi masinop sa kanyang mga gamit at maging sa kusina si Julie.
Lagi naman nasasaktan si Julie dahil hindi maingat sa kanyang pananalita si Romy at tila minamaliit nito ang efforts niya.
Matututunan ba ng dalawa na mahalin ang isa't isa sa kabila ng flaws na nakikita nila?
Abangan ang kuwentong 'yan sa "Romy and Julie," March 19, 4:40 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






