SNEAK PEEK: Matandang dalaga, magkakaroon ng second chance sa pag-ibig sa 'Regal Studio Presents: My Last Chance'

Para sa mga ulirang anak ang bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "My Last Chance," kuwento ito ni Mardie na inilaan ang buong buhay niya sa pag-aalaga ng kanyang biyudang ina na si Lolita.
Dahil dito, hindi siya nagkaroon ng sariling pamilya tulad ng kanyang mga kapatid.
Dating may childhood sweetheart si Mardie--si Rene, pero kinailangan niyang isakripisyo ang sariling kaligayahan para manatili bilang tagapangalaga ng kanyang mga magulang.
Ikagugulat ni Mardie nang biglang magbalik sa kanilang hometown si Rene. Malalaman din niyang biyudo na ito.
Ito na ba ang second chance ni Mardie sa pag-ibig? Paano nito maaapektuhan ang relasyon niya kay Lolita?
Huwag palampasin ang "My Last Chance," August 28, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






