SNEAK PEEK: Mean girls versus ghost sa 'Regal Studio Presents: The Truth About Jane'

GMA Logo The Truth About Jane

Photo Inside Page


Photos

The Truth About Jane



Siguradong screamfest ang upcoming Halloween special ng weekend anthology series na Regal Studio Presents!

Isang barkada, isang ancestral house at isang multo ang tampok sa episode na pinamagatang "The Truth About Jane."

Dahil matagal nang hindi nagkikita, nag-organize si Marcia ng isang mini reunion ng kanyang mga childhood friends na sina Iris at Paula.

Muling nagkita-kita ang tatlo sa ancestral house nina Marcia. Bitbit din ni Paula ang kanyang boyfriend na si Duane.

Sa pagtuloy nila sa bahay, may kakaibang mapapansin ang barkada. Basta na lang gumagalaw ang mga gamit dito at may naririnig silang babaeng umiiyak. May makikita rin silang white lady!

Matapos nilang maglaro ng "spirit of the glass," malalaman nilang Jane ang pangalan ng multong nakikita nila.

Ano kaya ang pakay sa kanila ni Jane?

Si Kiray Celis ang gaganap na Paula, habang si Ashley Ortega ang gaganap bilang Marcia.

Si Anna Vicente ay si Iris, at si Joyce Ching naman ang gaganap bilang Jane.

Bahagi rin ng episode si Dave Bornea na gaganap bilang Duane.

Samahan ang barkada nila sa Halloween special na "The Truth About Jane" sa Regal Studio Presents, October 31, 4:35 pm sa GMA.


Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:


Kiray Celis
Ashley Ortega
Anna Vicente
Joyce Ching
Dave Bornea
Spirit
The Truth About Jane

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCO press briefing (Dec. 16, 2025) | GMA Integrated News
P20.6M illegal drugs seized in Tagbilaran City, Bohol
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine