SNEAK PEEK: Mikee Quintos at Kelvin Miranda, childhood BFFs sa 'Promises to Keep'

Isang sweet puppy love story ang matutunghayan sa upcoming special ng weekend anthology series na Regal Studio Presents!
Pinamagatang "Promises to Keep," tungkol ito sa magkababatang magkikita muli matapos ang maraming taon.
Gagaganap si Mikee Quintos bilang Jenny, isang dalagang babalik sa kanyang childhood home sa probinsiya.
Sa kanyang pag-uwi, reunited sila ng kanyang childhood friend na si Eloy, role naman ni Kelvin Miranda.
Excited si Eloy sa pagbabalik ni Jenny dahil bago ito umalis noon, nangako itong babalik siya. Hiniling din nitong hintayin siya ni Eloy.
Masaya din si Eloy na maipagpapatuloy nila ni Jenny ang kanilang pagkakaibigan.
Pero tila may ibang dahilan ang pag-uwi ni Jenny. Matutupad pa kaya nila ang pangako nila sa isa't isa?
Huwag palampasin ang kuwento ng magkababata sa "Promises to Keep" sa Regal Studio Presents, October 17, 4:35 pm sa GMA.
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:






