SNEAK PEEK: Muling pagsama-sama ng 'Mga Batang Riles' para sa ebidensya

Kapana-panabik ang mga tagpo mamayang 8:50 p.m. sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles dahil dito na magkakaalamanan kung makakakuha ng ebidensya si Kidlat (Miguel Tanfelix) laban kay Vergel (Ian Ignacio).
Alam na kasi ni Vergel na sumali lang si Kidlat sa grupo nila para makakuha ng ebidensya kung sino talaga ang nagpasunog sa Sitio Liwanag.
Buti na lang at dumating ang mga tropang riles ni Kidlat na sina Kulot (Kokoy de Santos), Sig (Raheel Bhyria), at Dags (Anton Vinzon) para tulungan siya sa pagkalap ng ebidensya.
Narito ang pasilip sa mga maaksyong eksenang 'yan mamayang gabi sa 'Mga Batang Riles.'






