SNEAK PEEK: "My Special Outing," Pride Month offering ng 'Regal Studio Presents'

Isang special episode ang hatid ng ng weekly anthology series na 'Regal Studio Presents' ngayong Pride Month.
Pinamagatang "My Special Outing," ang episode na ito ay tungkol sa isang teenager na nagdadalawang-isip na mag-come out sa kanyang pamilya.
Si Felix ay isang teenage gay boy na hindi pa naglaladlad sa kanyang pamilya. Minsan na niyang sinubukang kausapin ang kanyang ama tungkol dito pero nanaig ang takot niyang masaktan ito.
Ngayong yumao na ang kanyang ama, nagdadalawang-isip pa rin siyang umamin sa kanyang pamilya dahil mataas ang expectations ng mga ito sa kanya.
Bukod dito, tinitingala ng pamilya si Felix bilang mabuting role model para sa kapatid niyang si Joven.
Pero nang magbakasyon ang pamilya sa isang resort, isang guwapong binata ang makakakuha ng pansin ni Felix.
Ito na ba ang push na hinihintay niya?
Abangan ang kuwentong 'yan sa "My Special Outing," June 5, 4:35 p.m. sa Regal Studio Presents.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






