SNEAK PEEK: Nangungulilang ina, may special bond sa kanyang adopted son sa 'Regal Studio Presents: Nagmamahal... Mama'

Isang heartwarming story ang matutunghayan sa bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'
Ang "Nagmamahal... Mama" ay kuwento ni Leonor, isang mayamang biyuda.
Mag-isa na lang siyang nabubuhay sa kanyang malaking bahay simula nang mamatay ang kanyang asawa. May sarili na kasing pamilya ang anak niyang si Celeste kaya hindi niya ito madalas makita.
Buti na lang nariyan si Jojo, anak ng dating helper ni Leonor, para samahan at pasayahin siya.
Hindi pabor si Celeste sa suportang ibinibigay ng ina sa adopted son niya dahil hindi naman nila ito kadugo.
Gusto rin kasi ni Celeste na i-turn over na sa kanya ni Leonor ang properties ng pamilya. Ikagagalit naman ito ni Leonor dahil tila ari-arian lang ang habol ng anak mula sa kanya.
Paano na si Jojo kung sakaling matuloy ang gusto ni Celeste?
Huwag palampasin ang "Nagmamahal... Mama," August 7, 4:40 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






