SNEAK PEEK: Pag-uwi ni Donna Lyn sa Pilipinas

Sa January 31 episode ng Prima Donnas, uuwi na sa Pilipinas si Donna Lyn (Sofia Pablo) mula Australia kasama si Bethany Howards (Sheryl Cruz).
Dahil matagal nilang hindi nakita si Donna Lyn, sinigurado ni Lady Prima (Chanda Romero) na may selebrasyon kasama sina Jaime (Wendell Ramos), Lilian (Katrina Halili), Donna Marie (Jillian Ward), Donna Belle (Althea Ablan), at Brianna (Elijah Alejo).
Kasama rin dito ang kanilang mga kaibigan na sina Nolan (Will Ashley), Cedric (Vince Crisostomo), at Uno (Julius Miguel).
Narito ang ilang pasilip sa inaabangang pag-uwi ni Donna Lyn at muling pagkikita-kita ng tatlong Donnas:






