SNEAK PEEK: Pasilip sa pilot episode ng 'The Fake Life'

Mapapanood na mamaya ang pilot episode ng 'The Fake Life,' ang unang programang pagbibidahan ni Ariel Rivera sa kanyang pagbabalik sa GMA matapos ang ilang taon.
Kaabang-abang ang istorya ng 'The Fake Life' dahil kakaibang karakter ang gagampanan nina Ariel, Beauty Gonzalez, at Sid Lucero. Sa mga patikim na inilabas bago ang pilot episode nito, makikita kung paano mag-aaway ang mag-asawang Onats at Cindy, ang mga karakter nina Ariel at Beauty.
Magtatalo sina Onats at Cindy nang mabanggit ng una ang mga katagang, “Itong buhay ko, peke! Itong pamilya ko, peke! Buong pamilya ko, peke dahil sa lahat ng panloloko mo!”
Bakit kaya umabot sa ganung punto ang pagmamahal nina Onats at Cindy?
Narito ang pasilip sa pilot episode ng 'The Fake Life' bago ito mapanood mamayang 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.







