SNEAK PEEK: Pretty mekaniko, paghihigpitan ng protektive daddy sa 'Regal Studio Presents: Mekaniko si Monica'

Tungkol sa isang pretty mekaniko ang bagong episode ang weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'
Sa episode na "Mekaniko si Monica," isang magandang nursing student ang mahilig mag-repair ng mga sasakyan.
Magaling mag-ayos ng mga kotse si Monica kaya hilig niyang tumulong sa talyer ng tatay niyang si Manolo.
Hindi naman pabor si Manolo dito dahil mas gusto niyang mag-focus ang anak sa pagtatapos ng kurso niyang nursing.
Lalo pang mag-aalala si Manolo nang dumating ang guwapong college student na si Brandon na tila bibighag sa puso ni Monica.
Magkakasundo ba ang mag-ama?
Abangan 'yan sa "Mekaniko si Monica," October 2, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






