SNEAK PEEK: Romance and holiday cheer on 'Taste Buddies'

Ang Taste Buddies ay may special guests na makakasama ngayong Sabado. Si Gil Cuerva ay magkakaroon ng mystery date at si Solenn Heussaff naman ay may makaka-bonding sa Tikiman Time.
Ngayong December 19, may ipakikilalang ka-bonding sina Solenn at Gil sa Taste Buddies. Si Gil ay ipapakita ang ways to have a romantic date in the new normal. This weekend, may mystery girl siyang makakasama sa isang romantic outdoor adventure. Silang dalawa ay sabay na susubok ng horseback riding sa San Mateo's mountain side. Magkakaroon din sila ng sweet moment habang pinapanood ang sunset at ang breathtaking cityscape view of Metro Manila.
Dahil malapit na ang Noche Buena, si Solenn naman ay may bonggang Noche Buena feast na ipapakita sa Taste Buddies. Ibabahagi ni Solenn ngayong Sabado kung paano magkaroon ng festive holiday meals at home sa pamamagitan lamang ng pag-order sa mga food delivery service. Plus, may mystery guest rin siyang makakasama.
Silipin ang mga magaganap ngayong December 19 sa gallery na ito.







