Sneak peek sa mga eksenang may lakas at puso sa 'Lolong: Bayani ng Bayan'

Pinaghalong lakas at puso ang dapat abangan sa upcoming action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.
Sa pagbabalik ng 2022's most watched TV show para sa pangalawang season nito, muling masisilayan ang buhay ng mga tao at mga Atubaw sa tahimik na bayan ng Tumahan.
Ipagpapatuloy ni Lolong (Ruru Madrid) ang pagiging protektor ng kanyang komunidad sa pamamagitan ng kanyang alter ego, ang masked hero na si Bangkil.
Isang bagong panganib ang haharapin ni Lolong sa pagdating ng isang misteryosong philantrophist sa Tumahan.
Pinag-isa ang lakas at puso sa Lolong: Bayani ng Bayan, simula January 20, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.
Silipin ang sneak peek sa mga eksena nitong puno ng lakas at puso sa gallery na ito.














