SNEAK PEEK: Sofia Pablo at Allen Ansay, magtatambal muli sa 'Regal Studio Presents: Mind the Gap'

Muling bibida sina Sparkle Sweethearts Sofia Pablo at Allen Ansay sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Ang "Mind the Gap" ang panglawang episode na pagbibidahan nila matapos ang successful at well-loved pilot episode na "Raya Sirena."
Sa "Mind the Gap," gaganap si Sofia bilang Yuki isang 18-year-old na may intellectual disability.
Si Allen naman ay si Ian, ang kapitbahay niyang may pagka pasaway.
May mabubuong pagkakaibigan sa pagitan ng dalawa na ikinababahala naman ng kani-kanilang mga pamilya.
Huwag palampasin ang "Mind the Gap," July 17, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






