SNEAK PEEK: Sofia Pablo at Allen Ansay, tampok sa 'Regal Studio Presents: I like you, 'Tol'

GMA Logo i like you tol

Photo Inside Page


Photos

i like you tol



Maghahatid ng kilig sina Kapuso stars Sofia Pablo at Allen Ansay sa 'Regal Studio Presents.'

Sa tambalan nila sa weekend anthology series, bibida sila sa episode na pinamagatang "I Like You, 'Tol.'

Dito ay mag-best friends sina Sofia at Allen na lalabas bilang George at Marco.

'One of the boys' si George kaya nagsa-swak ang kanilang energy ni Marco.

Komportable na sila sa isa't isa pero si George may lihim palang pagtingin sa kanyang kaibigan.

Kakainin naman ng selos si George sa pagbisita ng kanyang kababata na si Andie, na gagampanan ni Lara Fortuna.

Paano ba naman kasi, tila na love at first sight si Marco sa childhood friend ng kanyang closest friend.

Hahayaan na lang ba ni George na itago ang kanyang feelings kay Marco para ma-maintain ang kanilang friendship?

Abangan 'yan sa "I Like You, 'Tol," ngayong Linggo, November 20, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Sofia Pablo
Allen Ansay
Best friends
Secret feelings
Lara Fortuna
Jealousy
I like you, 'Tol

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties