SNEAK PEEK: Tatay na nag-transition, babalikan ang pamilya sa 'Regal Studio Presents: Once A Dad'

GMA Logo Once A Dad

Photo Inside Page


Photos

Once A Dad



Isang kakaibang pamilya ang mapapanood sa weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'

Pinamagatang "Once A Dad," kuwento ito ng teenager na si Manley na nangungulila sa kanyang ama.

Magpo-post siya online ng isang video kung saan hinahanap niya ang kanyang daddy Cedric.

Suwerte namang makakakuha ng reply mula sa ama si Manley at nangako itong bibisitahin siya.

Pero hindi inaasahan ni Manley na iba na ang kanyang tatay. Kung naaalala niya ito bilang isang basketball coach, ngayong ay nag-transition na ito bilang ganap na babae na si Cierra.

Masusubukan ang acting skills ni young Kapuso actor Will Ashley dahil siya ang gaganap bilang Manley.

Kasama niya sa episode si Iyah Mina, ang first ever transgender actress na nakakuha ng best actress award sa Pilipinas, na gaganap bilang Cierra.

Abangan sila sa "Once A Dad," October 30, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:


Will Ashley
Iyah Mina
Bianca Lapus
Basketball
Father
Marnie Lapus
Once A Dad

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring rain, cloudy skies over parts of PH
Alleged DI member wanted for murder, frustrated murder killed in clash
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants