SNEAK PEEK: The presidential debate between Melody and Allegra

Mangyayari na mamaya, May 16, ang inaabangang debate nina Melody (Sanya Lopez) at Allegra (Isabel Rivas) na parehong tumatakbo sa pagkapangulo.
Marumi mangampanya ang kampo ni Allegra dahil nagpakalat ito ng fake news tungkol kay Melody. Sa katunayan, naghain din ng disqualification case si Ingrid (Alice Dixson) laban kay Melody.
Ngunit sa dulo, dadalhin ni Melody ang kanyang plataporma sa mga tao at hindi siya magpapaapekto sa mga paninirang ginagawa sa kanya.
Narito ang pasilip sa inaabangang pagtatapat nina Melody at Allegra sa 'First Lady.'







